Friday, 25 December 2020

Manatiling malusog sa panahon ng coronavirus pandemic

 Personal na kalinisan, paglilinis, at mga tip sa kalusugan para maiwasan ang COVID-19, lalo na para sa mga mga nakakatandang nasa hustong gulang.

Posted From:stay healthy during coronavirus outbreak

Limitahan ang oras na malapi ka sa mga tao na hindi mo kasama sa bahay

  • Kasabay ng muli nating pagbubukas sa San Francisco, ang pinakaligtas gawin ay manatili sa bahay. Sa tuwing lumalabas ka, lumalaki ang posibilidad na makuha mo ang COVID-19 at maikalat mo ito sa iyong sambahayan.
  • Makipag-usap sa mga taong kasama mo sa bahay tungkol sa kung paano manatiling malusog nang magkakasama.
  • Kung aalis ka sa bahay mo, magpanatili ng 6 na talampakang layo mula sa mga taong hindi mo kasama sa bahay.
  • Kinakailangan mong magsuot ng pantakip sa mukha kapag ikaw ay nasa 6 na talampakang layo mula sa isang taong hindi mo kasama sa bahay. Kasama rito ang lahat ng oras na ikaw ay nasa labas, namimili, nakasakay sa pampublikong transportasyon, o kumukuha ng pangangalagang pangkalusugan.
  • Tingnan ang gabay tungkol sa mga mas ligtas na pakikipag-ugnayan sa panahon ng pandemic.

Ugalin ang pagkakaroon ng malinis na pangangatawan

Regular na hugasan ang iyong kamay gamit ang sabon at tubig nang hindi bababa sa 20 segundo. 

Kung wala kang sabon o tubig, puwede kang gumamit ng hand sanitizer na may hindi bababa sa 60% alkohol. Ikalat at ipahid sa mga kabilang kamay hanggang sa matuyo ang mga ito.

Puwede kang ligtas na gumamit ng nag-expire nang hand sanitizer kung ito ay:

  • Mayroon pa ring gel o foam na consistency (hindi matubig)
  • Madali pa ring matuyo
  • Mayroon pang 90% sa lalagyan, kung orihinal itong puno at hindi nabuksan

Iwasang hawakan ang iyong mukha gamit ang hindi nahugasang kamay.
Umubo o suminga sa tissue. Hugasan o i-sanitize ang iyong mga kamay pagkatapos.
Hindi namin inirerekomenda ang pagsusuot ng mga guwantes. Kailangang regular na malinis o mapalitan ang mga guwantes. Mas mainam na paraan para manatiling malusog ang paghuhugas ng kamay.
Kung aalis ka sa bahay para pumasok sa trabaho, isaalang-alang ang paglalaba ng iyong mga damit at pagpapalit ng mga sapatos pagkatapos ng bawat shift.

Coronavirus disease (COVID-19): Paano alagaan ang isang taong may COVID-19 sa bahay – Payo para sa mga caregiver

 Kung nag-aalaga ka ng taong may COVID-19, sundin ang payong ito para protektahan ang iyong sarili at iba pang tao sa bahay, pati na rin ang mga tao sa iyong komunidad.

Limitahan ang paglapit :

Isang malusog na tao lang ang dapat magbigay ng pangangalaga.

 Huwag magpahgamit ng mga personal na gamit sa taong may sakit,gaya ng mga sipilyo, tuwalya, kubrekama, kubyertos, o elektronikong device.

 Gumamit ng banyo na hindi ginagamit ng taong may sakit, kung posible. o Kung hindi ito posible, dapat ibaba ng taong may sakit ang takip ng kubeta bago mag-flush.

 Posibleng maipasa ng ilang tao ang COVID-19 kahit na hindi sila nagpapakita ng anumang sintomas. Makakatulong ang pagsusuot ng mask, kabilang ang hindi non-medical mask o pantakip sa mukha (ibig sabihin, gawa sa hindi bababa sa dalawang layer ng tinahing tela, na

idinisenyo para matakpan nang buo ang ilong at bibig, at nakakabit nang mabuti sa ulo sa pamamagitan ng mga tali o ear loop) na protektahan ang ibang tao sa paligid mo.

Iwasang lumapit sa mga hayop dahil may ilang ulat nanaipapasa ng mga tao ang COVID-19 sa kanilang mga alagang hayop.

Protektahan ang iyong sarili

Kung posible, hindi dapat mag-alaga ng taong may COVID-19 ang mga taong may mas malaking panganib ng pagkakaroon ng malalang sakit dahil sa COVID-19.

Kabilang sa mga taong ito ang mga nakakatanda, mga taong may mga chronic na medikal na 

kundisyon (hal., sakit sa puso, diabetes) o nakompromisong immune system. 

Kung kailangan mong lumapit nang 2 metro mula sa taong may sakit, magsuot ng personal na pamprotektang gamit:

  • medikal na mask 
  • disposable na guwantes 
  • pamprotekta sa mata

Magsuot ng disposable na guwantes kapag hinahawakan ang taong may sakit, ang kanilang paligid, at maruruming gamit o surface. 

Iwasang gamitin ulit ang mga medical mask o guwantes.

Linisin ang iyong mga kamay nang hindi iikli sa 20 segundo, lalo na pagkatapos lumapit sa taong may sakit at pagkatapos alisin ang iyong mga guwantes, face mask, at pamprotekta sa mata.

Patuyuin ang iyong mga kamay gamit ang mga disposable na paper towel.Kung hindi ito available, gumamit ng tuwalyang puwedeng gamitin ulit at palitan ito kapag nabasa.

• Puwede ka ring mag-alis ng dumi gamit ang wet wipe at pagkatapos ay gumamit ng alcohol-based na hand sanitizer na naglalaman ng hindi bababa sa 60% alcohol.

 • Iwasang hawakan ang iyong mga mata, ilong, at bibig gamit ang maruruming kamay.

Pagsusuot ng mga mask 

• Inirerekomenda ang paggamit ng mga medikal na mask para sa mga pasyenteng may COVID-19 na nasa bahay at para sa proteksyon ng mga taong nagbibigay ng direktang pangangalaga sa mga pasyenteng may COVID-19 na nasa bahay.

 • Dapat ireserba ang mga N95 respirator sa mga healthcare worker at hindi dapat gamitin ang mga ito sa pagbibigay ng pangangalaga sa bahay. 

• Kung hindi available ang mga medical mask, puwedeng isuot ng taong may sakit ang mga non-medical mask o pantakip sa mukha (ibig sabihin, gawa sa hindi bababa sa dalawang layer ng tinahing tela, na idinisenyo para matakpan nang buo ang ilong at bibig, at nakakabit nang mabuti sa ulo sa pamamagitan ng mga tali o ear loop) kung puwede. Matatakpan nito ang kanyang ilong at bibig, at makakatulong ito para mapigilan ang mga respiratory droplet na makahawa ng iba o kumalat sa mga surface. 

• Maaari ding magsuot ng non-medical mask o pantakip sa mukha ang mga taong nagbibigay ng direktang pangangalaga sa mga pasyenteng may COVID-19 na nasa bahay. Gayunpaman, hindi pa napatunayang napoprotektahan ng non-medical mask o pantakip sa mukha ang taong nagsusuot nito sa komunidad.

• Pabababain ng mga istriktong hakbang sa hygiene at pampublikong kalusugan, kabilang ang madalas na paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng distansyang hindi bababa sa 2 metro mula sa taong may sakit, ang tsansang malantad sa virus. 

• Ang mga non-medical mask ay dapat maingat na alisin kapag madumi o mamasa-masa, labhan sa mainit na tubig at pagkatapos ay patuyuin nang maigi.

 • Dapat linisin ang mga kamay bago at pagkatapos magsuot at magtanggal ng mask.

Panatilihing malinis ang iyong paligid 

• Ilagay ang mga nagamit na medical mask, guwantes at iba pang kontaminadong item sa isang lalagyan na may lining, isara nang mabuti ang lalagyang ito at itapon ang mga ito kasama ng iba pang basura sa bahay.

 • Ilagay ang mga posibleng kontaminadong labada sa isang lalagyang may plastik at huwag itong alugin. o Labhan gamit ang karaniwang sabong panlaba at mainit na tubig (60-90°C), at patuyuin nang mabuti. o Puwedeng labhan ang mga damit, kubrekama, at mga non-medical cloth mask ng taong may sakit kasabay ng iba pang labada

. • Linisin at i-disinfect nang hindi bababa sa isang beses sa isang araw ang mga surface na madalas hawakan ng mga tao sa bahay gaya ng mga kubeta, lalagyan ng labada, lamesa sa tabi ng kama, hawakan ng pinto, telepono, at remote ng telebisyon.

 Uminom ng mga Vitamins o mga Food Supplement:

  • Uminom ng Vitamins C
  • Uminom ng mga pagkain na my Iron
  • Uminom ng Food Supplement
  • Tulad ng: MX3 Food Supplement.


Saturday, 19 December 2020

Health Tips for Healthy Living

 What is healthy living?

Post from:Medicines

This article is designed to give tips to readers about how they can improve or augment actions in their life to have a healthy lifestyle; it is not meant to be all inclusive but will include major components that are considered to be parts of a lifestyle that lead to good health. In addition to the tips about what people should do for healthy living, the article will mention some of the tips about avoiding actions (the don'ts) that lead to unhealthy living.

"Healthy living" to most people means both physical and mental health are in balance or functioning well together in a person. In many instances, physical and mental health are closely linked, so that a change (good or bad) in one directly affects the other. Consequently, some of the tips will include suggestions for emotional and mental "healthy living."

The 15 Best Supplements to Boost Your Immune System Right Now

 Your immune system consists of a complex collection of cells, processes, and chemicals that constantly defends your body against invading p...