Personal na kalinisan, paglilinis, at mga tip sa kalusugan para maiwasan ang COVID-19, lalo na para sa mga mga nakakatandang nasa hustong gulang.
Posted From:stay healthy during coronavirus outbreak
Limitahan ang oras na malapi ka sa mga tao na hindi mo kasama sa bahay
- Kasabay ng muli nating pagbubukas sa San Francisco, ang pinakaligtas gawin ay manatili sa bahay. Sa tuwing lumalabas ka, lumalaki ang posibilidad na makuha mo ang COVID-19 at maikalat mo ito sa iyong sambahayan.
- Makipag-usap sa mga taong kasama mo sa bahay tungkol sa kung paano manatiling malusog nang magkakasama.
- Kung aalis ka sa bahay mo, magpanatili ng 6 na talampakang layo mula sa mga taong hindi mo kasama sa bahay.
- Kinakailangan mong magsuot ng pantakip sa mukha kapag ikaw ay nasa 6 na talampakang layo mula sa isang taong hindi mo kasama sa bahay. Kasama rito ang lahat ng oras na ikaw ay nasa labas, namimili, nakasakay sa pampublikong transportasyon, o kumukuha ng pangangalagang pangkalusugan.
- Tingnan ang gabay tungkol sa mga mas ligtas na pakikipag-ugnayan sa panahon ng pandemic.
Ugalin ang pagkakaroon ng malinis na pangangatawan
- Mayroon pa ring gel o foam na consistency (hindi matubig)
- Madali pa ring matuyo
- Mayroon pang 90% sa lalagyan, kung orihinal itong puno at hindi nabuksan
Iwasang hawakan ang iyong mukha gamit ang hindi nahugasang kamay.
Umubo o suminga sa tissue. Hugasan o i-sanitize ang iyong mga kamay pagkatapos.
Hindi namin inirerekomenda ang pagsusuot ng mga guwantes. Kailangang regular na malinis o mapalitan ang mga guwantes. Mas mainam na paraan para manatiling malusog ang paghuhugas ng kamay.
Kung aalis ka sa bahay para pumasok sa trabaho, isaalang-alang ang paglalaba ng iyong mga damit at pagpapalit ng mga sapatos pagkatapos ng bawat shift.
Regular na linisin ang iyong bahay
- Mga counter
- Mga mesa
- Mga doorknob
- Mga fixture sa banyo
- Mga toilet
- Mga telepono
- Mga keyboard
- Mga tablet
Linisin kaagad ang anumang surface na may mga fluid galing sa katawan, tulad ng dugo o dumi.
Puwede kang gumamit ng mga spray o wipe na ginagamit sa bahay. Sundin ang mga tagubilin tungkol sa iyong mga panlinis na produkto.
Puwede kang gumamit ng mga disposable na guwantes. Itapon ang mga ito pagtapos mong hubarin ang mga ito. Hugasan ang iyong kamay pagkatapos mong hubarin ang iyong mga guwantes.
Tumingin ng iba pang tip sa paglilis mula sa Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng SF (SF Department of Public Health) at CDC.
Mga Kailangan Inuming sa Para maiwasan ang COVID-19
- Vitamins
- Gatas
- Food Supplement
- Maligamgam na tubig na may Lemon.
No comments:
Post a Comment