Wednesday, 28 October 2020

Paano ko aalagaan ang aking mental health sa panahon ng COVID-19?

 Normal lamang na makaramdam ng takot at pagkabalisa sa panahon ng COVID-19, lalo na’t tumatagal ang krisis na ito. Bukod sa pag-alaga ng ating kalusugan upang makaiwas sa coronavirus, mahalaga rin na alagaan natin ang ating mental health habang nananatili sa loob ng bahay.

post:Paanu alagaan ang aking mental health

Huwag hayaang malugmok sa mga negatibong naiisip at huwag mahihiyang humingi ng tulong kung kailangan mo ito.

  • Napag-iinitan ka ba ng mga magulang mo at palagi kang pinapagalitan? Imbis na mainis lang, kausapin sila ng masinsinan at gawing pagkakataon ang pagkakasama-sama sa bahay para makipag-bonding sa mga magulang. Makipagkwentuhan nang mas makilala at maunawaan ninyo ang isa’t isa.
  • Miss mo na ba ang barkada? Gamitin ang social media, video call, chat o text para kumustahin at makausap ang mga kaibigan. Makinig sa mga mga kwento, naiisip at nararamdaman ng isa’t isa. Let’s survive this together!
  • Maghanap ng pagkakaabalahan o mapaglilibangan. Subukan mong matutunan ang isang hobby, skill, o talent. Nakakatulong ito sa pagbawas ng anxiety sa panahong ito. Kahit wala ka sa school, pwede ka pa ring matuto ng mga bagong bagay.
  • Gumawa ng routine at sikaping sundin ito. Pwede kang tumulong sa gawaing bahay sa umaga, mag-practice ng pagtugtog sa hapon, at magbasa para linangin ang kaisipan sa gabi. Gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Huwag rin kalilimutang mag-relax at magpahinga.
  • Gumalaw-galaw at magpapawis. Mag-exercise. Gawin ang mga dance challenge sa TikTok o YouTube. Yayain rin ang mga kasama mo sa bahay na sumali sa video para mas masaya! Nakakatulong ang exercise at paggalaw ng katawan sa pagpapalakas ng resistensya laban sa COVID-19 at iba pang mga sakit.
  • Kahit may na-miss kang mga milestone sa buhay dahil sa quarantine, tulad ng graduation o birthday celebration, kaya mo pa ring lumikha ng memories. Ipagdiwang ang mga achievements at special occasions sa sariling paraan. Mag-photoshoot, vlog, mini-ceremony, at virtual celebration sa social media kasama ang iyong mga kaibigan at kamag-anak.
  • Maging isang smart at responsableng netizen. Dahil virtual na ang karamihan sa ating connections, maging maingat at mapanuri online. Suriin ang mga impormasyon at nakakasalamuha online. Mag-share lamang ng mga makabuluhang bagay.
  • Tumulong sa mga gawaing bahay hangga’t makakaya, lalo na’t kung nahihirapan ang pamilya mo sa panahong ito dahil sa pagkawala ng trabaho o kakulangan ng pangtustos sa mga pangaraw-araw na pangangailangan. Survive as one family tayo! 
  • Kailangan mo ba ng kausap? Hindi ka nag-iisa. Makipag-chat o text sa mga kaibigan o kamag-anak. Kung nakakaramdam ka ng anxiety, may handang makinig sa iyo! 
  • Nalulungkot ka ba sa sitwasyong dala ng COVID-19 at sa mga balita tungkol dito? Maging boses ng kabataan at magbigay-inspirasyon sa iba! Nakararanas tayong lahat ng lungkot at hirap dahil sa krisis na ito. Makakatulong ang pag-unawa sa isa’t isa, at pag-share ng saya at pag-asa. 
  • Appreciate life pa rin! Subukan mong maglista ng tatlong bagay na ipinagpapasalamat mo araw-araw. Di mo kailangan i-explain. I-share mo lang. Tuloy ang buhay. Lalaban tayo!

No comments:

Post a Comment

The 15 Best Supplements to Boost Your Immune System Right Now

 Your immune system consists of a complex collection of cells, processes, and chemicals that constantly defends your body against invading p...